''Bakit Kailangan Pang Umalis?''
- Jan-Erik Orejola
- Nov 21, 2015
- 1 min read
Bakit nga ba kailangan mangibang bansa ng ibang tao? Bakit kailangan nila magtrabaho malayo? malayo sa piling ng mga mahal nila sa buhay.
Kailangan pumunta ng ibang bansa ang ibang tao dahil sa sobrang hirap maghanap ng trabaho dito sa pilipinas , kailangan nila magtrabaho sa ibang bansa upang maitaguyod nila ng maayos ang kanilang pamilya , mapag-aral ng maayos ang kanilang mga anak , mabigyan ng sapat na pagkain at iba pang kagamitan , hindi sila sumusuko sa pagtatrabaho sa malayo para lang maging masaya at gumanda ang buhay ng kanilang pamilya.
Ang tawag sa mga taong ito ay OFW (Overseas FIlipino Worker) , Ang tatay ko ay isang OFW , nagtatrabaho sa malayonh lugar para sa kinabukasan namin ng aking kapatid at mabilhan o mabigyan kami ng gusto naming gamit kaya ang maiisukli lang naming magkapatid ay mag-aral ng mabuti at makakuha ng mataas na grado upang pagdating ng araw ay makakuha kami ng magandang trabaho at kami naman ang magtatrabaho para sa kanila.
Pero may mga taong hindi sang-ayon sa pangingi-bangbansa dahil daw dito ay nasisira ang relasyon ng ibang tao , dahil yung iba ay hindi na bumabalik sa kanilang tahanan at sumasama na sa ibang lalake o babae. Para masolusyonan ang problemang dulot ng pangingi-bangbansa, huwag tayo mawawalan ng komunikasyon sa mga taong nangingi-bangbansa at intindihin nalang ang isa't isa , mahalin at pahalagahan natin sila.

Kommentare